
Proud na ibinahagi ni Sofia Pablo sa latest houseguest na si Vice Ganda kung gaano niya nararamdaman ang pagmamahal ng kanyang Mommy.
*Related gallery: 'Meet the 20 housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'
Sa isa sa episodes ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, inilahad na naka-relate si Sofia sa istorya ng pelikula ni Vice na Call Me Mother.
Habang nagkukwentuhan, itinanong ng It's Showtime host kung ano ang isa sa mga sacrifice na alam mong ginawa sa'yo ng Nanay mo.
“Ginive up po niya 'yung dreams niya for me. Chef na po siya pero para masamahan niya po ako sa mga taping, mga commercials… 'yun ginive up po niya,” sagot ng Sparkle star.
Kuwento pa ni Sofia tungkol sa kanyang buhay at closeness nila ng kanyang Mommy, “Laki po kasi akong Mommy. Dalawa lang po kami since four po ako tapos ngayon na nandito po ako mag-isa lang siya outside.”
Bukod kay Sofia, naantig din sa istorya ng Call Me Mother ang Star Magic artist na si Rave Victoria at ang iba pang housemates.
Bukod kay Vice, kabilang din sa cast ng pelikula ang ilang ex-housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na sina Mika Salamanca, Brent Manalo, Shuvee Etrata, Esnyr, Klarisse De Guzman, at River Joseph.
Samantala, patuloy na tumutok sa mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:15 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m..
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na nasa ibaba.
Samantala, bilang isa sa mga nakatutok sa teleserye ng totoong buhay, sino sa male at female housemates ang gusto mong maging big winner ngayong season?
Sagutan ang polls sa ibaba: