GMA Logo Sofia Pablo and Allen Ansay
PHOTO COURTESY: TBATS
What's on TV

Sofia Pablo, inilahad ang pinakagustong katangian ni Allen Ansay

By Dianne Mariano
Published October 11, 2022 5:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIST: Winners of the MMFF 2025 Gabi ng Parangal
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo and Allen Ansay


Ano kaya ang pinakagustong katangian ni Sparkle actress Sofia Pablo kay Allen Ansay?

Nagpakilig ang Sparkle love team na sina Sofia Pablo at Allen Ansay sa kanilang guest appearance sa The Boobay and Tekla Show noong nakaraang Linggo, October 9.

Sumabak ang dalawang Kapuso stars sa nakakakilig na Q&A na “The Love Quiz," kung saan sinagot nila ang iba't ibang tanong tungkol sa love at relationship.

Isa sa mga tanong para sa teen actress ay ang pinakagusto niyang katangian ni Allen. Ang tatlong choices para sa nasabing tanong ay: A. Hindi nagagalit, B. Hindi nagseselos, at C. Hindi tumitingin sa ibang babae.

Ayon kay Sofia, parehong tama ang letrang A at C ngunit ang pinakagusto niyang katangian ng aktor ay hindi ito tumitingin sa ibang babae.

Paliwanag ng aktres, “Siyempre kapag naglalakad po, may makikita pero not to the point na lilingunin niya pa. May mga gano'n kasi, e.”

Ibinuking naman ni Sofia ang kinaiinisan niya kay Allen at ito raw ay kapag napipikon ang aktor sa games.

“Kapag maglalaro ka, mananalo ka na tapos ikaw 'yung mamamatay, dahil sa kaniya [Sofia Pablo],” paliwanag ni Allen.

Kuwento naman ni Sofia, “Alam n'yo po ba na kapag naglalaro ako ng solo, MVP. Kapag kasama ko siya, namamatay ako para sa kanya. Galit pa siya kapag iniwan ko siya no'n.”

Tinanong din ang Sparkle artists tungkol sa kanilang term of endearment o tawagan sa isa't isa. Ayon sa dalawa, ito ay “Aki,” na ang ibig sabihin ay “akin,” at si Allen daw ang nakaisip nito.

Napanood din sa recent episode ng TBATS si Kapuso actor Rocco Nacino at sumabak siya sa “The First Time Dad Quiz,” kung saan iba't ibang trivia questions tungkol sa parenthood ang sinagot niya.

Pumasa kaya ang aktor sa special segment na ito? Alamin sa video sa ibaba.

Patuloy na subaybayan ang The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo via livestream at sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SWEETEST MOMENTS NINA SOFIA PABLO AT ALLEN ANSAY SA GALLERY NA ITO.