
Balik-eskuwela na ang Kapuso actress at next generation leading lady na si Sofia Pablo bilang isang senior high school student.
Sa Instagram, ibinahagi ni Sofia ang larawan ng unang araw ng kanyang klase sa UST Angelicum College ngayong Martes, August 15.
“Back to school! My senior high school journey begins today!” caption ni Sofia sa kanyang post.
“Hi fellow ABM students,” pagbati pa ng dalagang aktres sa mga kapwa niya Accountancy, Business, and Management strand students.
Sa nasabing post ni Sofia, nag-iwan naman ng komento ang kanyang tatay-tatayan noon na si Gio Alvarez sa kilig series na Luv Is: Caught In His Arms.
“Lezzgow anak!!” mensahe ni Gio kay Sofia.
Makakasama rin muli ni Sofia ang aktor na si Gio sa upcoming Kapuso series na Sparkle University.
SILIPIN ANG TRANSFORMATION NI SOFIA FROM CHILD STAR TO NEXT GEN LEADING LADY:
Sa kabila ng pagiging abala sa kanyang trabaho bilang aktres, binibigyan pa rin ng oras ni Sofia ang kanyang pag-aaral. Nito lamang Hunyo, nagtapos si Sofia sa junior high school sa parehong paaralan.