GMA Logo Sofia Pablo with lola
Source: 24 Oras
What's Hot

Sofia Pablo, lubos ang pasasalamat sa isang lola na masugid na tagahanga

By Kristian Eric Javier
Published February 10, 2026 5:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Chappell Roan leaves talent agency after CEO named in Epstein files
Shaira Diaz, Jenzel Angeles, Kaloy Tingcungco bond in Bali
Dredging, bridge construction ordered for Iligan after #BasyangPH onslaught

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo with lola


Naging emosyonal si Sofia Pablo nang magpasalamat siya sa isang masugid na tagahanga: "Mas napapasaya n'yo po ako."

Isang sorpresa ang inihandog ng dating Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 housemate na si Sofia Pablo sa isa niyang masugid na tagahanga; isang lola na nag-viral sa TikTok dahil sa kaniyang suporta sa Sparkle star.

Sa report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras nitong Lunes, February 9, ipinakita ang viral video ng isang 76-year old na lola na nagbigay ng PhP50 sa kaniyang apo. Ang ibinigay niya ay gagamitin umano para iboto at iligtas ang Sparkle star mula sa eviction noong nakaraang Linggo.

Sa video na pinost sa TikTok, maririnig si lola na si Sofia Pablo lang ang gusto niyang iboto.

@sergeandjen My Lola offered me PHP 50 and asked me to vote to save Sofia in PBB. She even saved that money. 😭 She even wrote down the number she got on Tiktok. 🥹 But I ended up voting through the Maya App instead and of course, I did not accept my lola's money. 🤍 She has been a huge fan of Sofia even before she entered the PBB House, and she only watches PBB because of her. She's also a big fan of Sofia's love team with Allen. I truly hope Sofia stays and wins in PBB because my Lola is rooting for her and wishes that she become part of the Big 4. #sofiapablo #savesofia #sofiapbb ♬ original sound - SergeAndJen


Captured din sa hiwalay na video ang lungkot ni lola nang mapanood ang paglabas ni Sofia mula sa Bahay ni Kuya.

@sergeandjen Lola Belen will always support Sofia no matter what happened. ❤️‍🩹 @lolabelen_12 #sofiapablo #allenansay #pbbeviction ♬ original sound - SergeAndJen


Kahit evicted na, maririnig ang sinabi ni Lola Belen na si Sofia pa rin ang sinusuportahan niya "kahit ano'ng mangyari."

Nitong February 5, ipinagdiwang ni Lola Belen ang kaniyang ika-77 kaarawan. Kaya naman bilang sorpresa ay binisita ni Sofia ang kaniyang masugid na tagahanga.

Pagbabahagi ng Sparkle star, paglabas pa lang niya ng Bahay ni Kuya ay napanood na niya ang video ni Lola Belen.

"Du'n pa lang po, sinabi ko na talaga na gusto ko nang puntahan si Lola," sabi ni Sofia.

May prutas at birthday cake ang pasalubong ng aktres, at ipinagluto pa nito ng paborito niyang sinigang na isda si Lola Belen. At imbis wish para sa kaniyang kaarawan, ang hiling ni Lola Belen, para kay Sofia.

"Ang wish ko lang sa 'yo, matupad 'yung pangarap mo sa buhay, itong aking idol. Dito lang ako masaya, 'pag ako'y nagti-TikTok, makita ko lang 'to, ayos na," sabi ni Lola Belen.

Pagbabahagi ni Lola Belen, sa pagbida pa lang ni Sofia sa dating GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas ay fan na siya ng aktres. Kaya naman, masayang-masaya umano si lola sa pagbisita sa kaniya ng iniidolong Sparkle star.

"Para akong bumata bigla. Hindi ko akalain sinorpresa ako ng aking idol," sabi ni Lola Belen.

Hindi naman maiwasan ni Sofia Pablo na maging emosyonal nang magbigay siya ng mensahe sa kaniyang masugid na tagahanga, "Lola, siyempre po gusto ko pong mag-thank you. Kung akala n'yo po napapasaya ko po kayo, mas napapasaya n'yo po ako. Dahil sa inyo, mas namo-motivate po ako na galingan kasi alam ko po na may napapasaya ako na mga tao.”

Panoorin ang panayam kay Sofia Pablo dito:

RELATED CONTENT: BALIKAN ANG BEAUTIFUL TRANSFORMATION NI SOFIA MULA SA PAGIGING CHILD STAR HANGGANG NEXT GEN LEADING LADY SA GALLERY NA ITO: