
Masayang binalikan ng Kapuso Teen Actress na si Sofia Pablo kung paano siya nagdiwang ng kanyang ika-15 kaarawan noong April.
Ayon kay Sofia, nakapunta ang mga malalapit niyang mga kaibigan sa munting salu-salo na inihanda niya.
"Masay pa rin kasi nakasama ko pa rin 'yung mga supposedly invited sa brithday celebration ko, pumunta pa rin sila here," kuwento ni Sofia nang makausap ng GMANetwork.com sa Zoomustahan ng Kapuso Brigade.
"Although 'yung iba hindi sila nakapunta kasi meron ding restriction sa mga condo nila, sa parents nila.
"So, 'yung mga nakarating, sila 'yung mga nakasama namin mag-TikTok, manood ng movie, at ng kung anu-anong mga animated movie.
"Kahit patanda ka nang patanda, parang 'yun pa rin 'yung hilig naming lahat. Mas mahilig pa rin kami sa mga cartoons, hindi namin alam kung bakit."
Silipin ang glam shoot na ginawa para sa birthday ni Sofia:
Siyempre, hindi mawawala sa selebrasyon ng kaarawan ni Sofia si Allen Ansay, na niregaluhan siya ng malaking teddy bear.
"Si Aki po kasi, simple lang talaga 'yung gusto nito, 'yung mga candy lang na one peso lang, 'yung Stick-O ganun," saad ni Allen.
"'Tapos, binigyan ko siya ng isang teddy bear na malaki kasi nagba-vlog kami non, parang bigla niya na lang sinabi na, 'Ang sarap kaya kapag may malaking teddy bear.'
"'Tapos, nung nag-iisip na ako ng regalo sa kanya, sabi ko bukod sa letter tapos bigla kong naalala 'yung vlog namin, pinaselos niya pa ako non kay Vince [Crisostomo.]
"'Tapos, bigla kong naisip na teddy bear na lang ibigay ko tapos binigyan namin ng pangalan: Boo."
Dagdag ni Sofia, nakuha nila ang pangalang Boo sa Pixar movie na Monster Inc.
Saad ni Sofia, "Boo kasi kung alam niyo po 'yung Monsters Inc., 'di ba 'yung bata doon pangalan niya Boo? E, parehas naming gusto rin 'yung movie na 'yun.
"So, 'yung nag-iisip kami ng pangalan, parang ang awkward 'pag binigyan namin 'yung teddy bear ng normal name na kunwari Jake, Johnson, parang ang weird.
"So, naisip namin na parang Disney character name so pumili kami sa Disney movies. Naisip namin na Boo kasi bagay sa teddy bear.
"My Boo is my teddy bear."
Pero ayon kay Allen, hindi sa Monster Inc. nagmula ang pangalan ng teddy bear kung hindi sa anime na Dragon Ball.
Sino kaya ang naging inspirasyon nito?
Alamin ang sagot sa video sa itaas. Kung hindi ito nag-play, maaaring panoorin dito .
Kung gusto niyong makausap ang iba pang Kapuso artists, sumali na sa Kapuso Brigade!
Pumunta lamang sa kanilang Facebook page o Instagram account para sa iba pang mga detalye.
Bukod kina Sofia at Allen, maraming Kapuso love teams ang dapat abangan ngayog taon! Kilalanin sila dito: