
Punong-puno ng Gen-Z energy ang session nina Chariz Solomon at Buboy Villar sa Your Honor ngayong June 13. Haharap bilang resource person sa session number 74 titled “In Aid of Gen Z Love: May Ligawan Pa Ba?” ang on-screen loveteam nina Sofia Pablo at Allen Ansay.
RELATED GALLERY: SWEETEST MOMENTS OF SOFIA PABLO AND ALLEN ANSAY
Sa teaser para sa Your Honor episode, may agad na nilinaw si Sofia sa isyu na binabato sa kaniya na diumano iniwan niya sa ere si Allen lalo na matapos ang stint niya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Na-evict bilang Kapuso housemate si Sofia noong January 31. Sagot niya sa isyu tungkol sa kanila ni Allen, “When I got out, tapos parang nakikita nila na parang naghihiwalay na kami ng mga work, tapos si Allen hindi na kami nagsasama. Akala nila nagbago lang ako paglabas na parang iniwan ko siya sa ere.”
Naging bukas din pag-usapan ng dalaga kung paano manligaw ang Kapuso heartthrob. “'Yung ligaw po niya kasi is more of ganiyan.” Sabat ni Madam Cha na “steady” sa panliligaw ang Kapuso actor.
Sumunod na sinabi ni Sofia, “More on effort, more on being there for me.”
Alamin ang real score sa pagitan nina Sofia Pablo at Allen Ansay sa Your Honor, ngayong June 13 pagkatapos ng Pepito Manaloto sa YouLOL YouTube channel.
RELATED GALLERY:Podcast duos dominating online conversation right now