
Matapos mapanood ang Metro Manila Film Festival 2023 film na Firefly noong nakaraang taon, nabuo kay Prinsesa ng City Jail star Sofia Pablo ang pangarap na magkaroon ng entry sa naturang film festival. Ngayon, tila na-manifest ng aktres ang pangarap dahil isa siya sa mga bibida sa pelikulang Green Bones, isa sa mga pelikulang kalahok sa festival.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, December 18, ikinuwento ni Sofia na isa sa mga tradisyon nila ng mommy niya ang manood ng MMFF at noong nakaraang taon, napanood niya ang Firefly.
“Nu'ng napapanood ko siya, sabi ko, 'Sana next year, or kahit next, next year, or next, next, next year, maranasan ko rin 'yun kasi iba 'yung feeling ng MMFF from the experience of shooting the movie, to the premiere nights, to the parade of the stars, Gabi ng Parangal pa, so excited po ako with the experience,” pagbabahagi ni Sofia.
Pinansin din ni King of Talk Boy Abunda kung gaano ka-resilient si Sofia pagdating sa pagtupad niya ng kaniyang pangarap. Aniya, maganda umano ang ugali ni Sofia na hindi naglalagay ng deadline sa kaniyang mga pangarap at inaantay ang tamang oras.
Nang alalahanin naman ng batikang host ang iba't ibang pagsubok na pinagdaanan niya at tinanong kung ano ang masasabi ni Sofia sa mga ito, ang sagot ng aktres, “I'm proud.”
“I'm proud of myself kasi hindi ko siya sinukuan kahit talagang ang daming rejections, ang daming, 'Ay, you're too rich-looking for this, ay hindi ka marunong sumayaw,' talagang sabi ko, I'm proud,” pagpapatuloy ng young actress.
Nakadagdag din sa pagiging proud niya sa sarili ang hindi niya pagsuko sa kabila ng mga pagsubok at sinabing nilalaban niya ang mga ito, “No, I wanna show you na kaya kong maging mahirap, kaya kong sumayaw, kaya kong kumanta.”
BALIKAN ANG MEMORABLE HIGHLIGHTS NG 'GREEN BONES' MEDIA CON SA GALLERY NA ITO: