
Tila naudlot ang kilig ni Sofia Pablo sa akala niyang big surprise ni Big Brother para sa kanya.
Sa recent episode ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, ipinasilip ang planadong pag-prank ni Kuya kay Sofia, kung saan kasabwat ang housemates.
Nang mabasa ng Kapuso housemate ang mensahe ni Kuya sa screen, sobrang umasa na siya na ang kapwa niya Sparkle star na si Miguel Tanfelix ang ipangso-sorpresa sa kanya.
Sa pakikipagtulungan ni Kuya sa male housemates, ipina-blind fold niya si Sofia at doon na nagsimula ang prank.
Sa halip na ang celebrity crush ni Sofia na si Miguel Tanfelix; si Miguel Vergara, na isa ring housemate, ang ipinapuwesto nila sa harapan ng una para sa kunwaring surprise reveal.
Tawang-tawa naman ang Kapuso housemate at iba pa niyang mga kasama sa naturang prank.
Related gallery: Meet the housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'
Kasunod nito, nakatanggap ng greeting si Sofia mula kay Miguel Tanfelix at patuloy siyang umaasa na personal niyang makikita ang kanyang crush.
Embed: https://vt.tiktok.com/ZS5auS4U7/
Sinu-sino kaya ang susunod na houseguests sa pinakasikat na bahay sa bansa?
Patuloy na tumutok sa mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na ito: www.gmanetwork.com/pbblivestream