GMA Logo Sofia Pablo Inigo Jose Allen Ansay
Photo source: FTWBA, inigojose._ (IG), itsmeallenansay (IG)
What's on TV

Sofia Pablo, nag-set ng 'boundaries' kay Iñigo Jose dahil kay Allen Ansay

By Karen Juliane Crucillo
Published February 9, 2026 6:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PNP chief orders probe into death of PRO-11 official
UP study of coastal boulders in Ilocos Norte to help disaster preparedness
The Bloomfields reflect on the comeback of 'Ale' on music charts

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo Inigo Jose Allen Ansay


Sofia Pablo sa pagkagusto sa kaniya ni Iñigo Jose: “Si-net ko na po talaga 'yung boundaries namin.”

Nilinaw na ni Sofia Pablo ang isyu kay Iñigo Jose, na diumano'y nagkagusto sa kaniya sa loob ng PBB house.

Sa kaniyang panayam sa Fast Talk With Boy Abunda ngayong Lunes, February 9, ibinahagi ni Sofia na napag-usapan na nila ni Iñigo nang mabanggit ng Kapamilya housemate na isa siya sa mga nagustuhan nitong babae sa loob ng Bahay ni Kuya.

“I mean, meron pong mga nangaasar na housemates inside pero hindi ko talaga ine-entertain kasi mabait po talaga si Iñigo sa lahat ng housemates,” sabi ni Sofia.

Ikinuwento ng ex-PBB housemate na ayaw niyang paasahin si Iñigo, kaya hindi siya nagpakita ng kahit anong motibo.

“Si-net ko na po talaga 'yung boundaries namin,” paliwanag niya.

“Sinabi ko po talaga na the last thing I want inside the house is to be involved with someone romantically kasi iniisip ko talaga si Allen [Ansay]. Sobrang vocal ko po doon inside,” kuwento niya.

Inamin ni Sofia na iniisip niya sa loob ng Bahay ni Kuya ang nararamdaman ni Allen Ansay sa labas. Samantala, sinabi ni Allen kay Sofia na maaari siyang magkagusto ng iba habang siya ay nasa loob ng PBB.

“Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi e. Sabi ko para kang ewan, hindi talaga. Kasi sabi ko ang dami na nating pinagsamahan. Ang dami na nating naka-work. Pero I am sure, I am not that type of person like may paninindigan ako if ikaw 'yung taong gusto ko, ikaw 'yung taong gusto ko,” aniya.

Lumabas si Sofia sa Bahay ni Kuya noong January 31 kasama ang Kapamilya housemate na si Eliza Borromeo. Sinalubong naman agad ni Allen si Sofia noong eviction night, na kinakiligan ng Team Jolly.

Samantala, lumabas si Iñigo kasama si Lee Victor noong December 13, 2025.

Abangan ang iba pang susunod na twists at mga sorpresa mula kay Big Brother na masasaksihan sa hit collaboration project ng GMA at ABS-CBN.

Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 ng live sa GMA at Kapuso Stream tuwing weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:15 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m..

Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 na mapapanood sa link na nasa ibaba.

RELATED GALLERY: Sofia Pablo gets a sweet homecoming surprise from Sparkle family