GMA Logo Sofia Pablo
Courtesy: sofiapablo (IG)
What's Hot

Sofia Pablo, naghahanda na para sa kanyang debut

By EJ Chua
Published February 17, 2024 11:26 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo


Hands-on na sa pagpaplano ang Sparkle star na si Sofia Pablo para sa kanyang 18th birthday ngayong taon!

Isang mahalagang araw ang pinaghahandaan ng Sparkle star na si Sofia Pablo.

Sa darating kasi na buwan ng Abril ngayong 2024, ipagdiriwang na niya ang kanyang 18th birthday.

Kamakailan lang, excited na nagkuwento si Sofia sa "Chika Minute" showbiz reporter na si Nelson Canlas tungkol dito.

Isang Hawaiian Tropical Paradise ang tema na napupusuan ng young actress para sa kanyang debut.

Ayon kay Sofia, hands-on siya sa ilang preparasyon para sa special event, mula sa kanyang mga isusuot, disenyo ng venue, at pati na rin sa ihahandang mga pagkain.

Pagbabahagi pa niya, “Malapit po ang heart ko sa dagat. Hindi rin po ako fan ng ball gown… Gusto ko lang po talaga comfy even for the guests.”

“Hindi rin ako magpe-perform… enjoyment lang po talaga,” dagdag pa niya.

Ayon pa sa kanya, “Kung ano 'yung shortest program na kaya para lahat makapag-enjoy na after.”

Samantala, bukod sa pagiging isang Kapuso star, isa si Sofia sa most-followed Filipino celebrities sa TikTok.

Sa kasalukuyan, mayroon na siyang 9.6 million followers sa naturang video-sharing application.