
Isa ngayon si Sofia Pablo sa mga hinahangaan ng netizens matapos panoorin ang kanyang bagong pelikula na Huwag Kang Titingin.
Mula sa mga nakakakabang moments hanggang sa nakakaantig na eksena, kuhang-kuha raw ni Sofia ang bawat emosyon ng istorya at ng kanyang karakter sa pelikula.
Ngunit bago ang horror film, napahanga na rin niya ang publiko sa award-winning movie na Green Bones. Matatandaang marami ang naantig sa mga eksena ng Kapuso actress kasama ang lead stars na sina Dennis Trillo at Ruru Madrid.
Sa isang exclusive interview kasama ang GMANetwork.com, ibinahagi ni Sofia kung paano naging inspirasyon ang Green Bones sa kanyang pag-arte sa big screen.
Ayon sa kanya, ito pa ay naging manifestation niya na bumalik sa isang pelikula kasama ang GMA Pictures.
"Ako po, super happy kasi 'yun nga po, from Green Bones to Huwag Kang Titingin. When I was in Green Bones, kasi tinitingnan ko si Kuya Ruru noon, sabi ko, nakaka-proud si Kuya Ruru kasi ang ganda-ganda ng Green Bones. Sabi ko, 'Sana one day, makagawa ako ng GMA Pictures na film na lead kasi ang ganda talaga gumawa ng movies ng GMA Pictures and ng Mentorque Inc as well," pahayag niya.
Ngayon, isang dream come true para sa kanya ang pagbalik sa big screen bilang isa sa main leads.
"Kaya noong sinabi nila sa akin ito, sobrang happy ko and 'di ako makapaniwala. Kasi pangarap kong magka-pelikula, pero I wasn't expecting to arrive this early," dagdag niya.
Maliban sa Green Bones at Huwag Kang Titingin teams, labis din ang pasasalamat ni Sofia sa GMA Network sa patuloy na suporta at paniniwala sa kanya bilang Kapuso star.
"'Yun na rin kasi isa sa gusto kong matupad sa career ko, 'yung gumawa ng marami pang films na iba't ibang characters," aniya.
RELATED GALLERY: BALIKAN ANG STAR-STUDDED HUWAG KANG TITINGIN PREMIERE NIGHT
Mapapanood na ang Huwag Kang Titingin sa mga sinehan nationwide.
Tampok din sa pelikula sina Allen Ansay, Marco Masa, Michael Sager, Charlie Fleming, Kira Balinger, Josh Ford, Sean Lucas, Anthony Constantino, at may special participation ni Shuvee Etrata.
Sa produksyon ng GMA Pictures at Mentorque Inc., ito'y idinirehe ni Frasco Mortiz at isinulat ni Ays de Guzman.
Silipin ang fun and frights ng Huwag Kang Titingin behind-the-scenes sa gallery na ito: