GMA Logo Sofia Pablo, Eliza Borromeo
Courtesy: EJ Chua
What's Hot

Sofia Pablo, nagsilbing ate sa loob ng Bahay Ni Kuya?

By EJ Chua
Published February 7, 2026 10:06 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PBB Collab 2.0: Housemates learn basic sign language from deaf awareness advocates
Grace over time: Loida Nicolas Lewis' philosophy on youth, wellness, and purpose
#BasyangPH weakens further over Ayungon, Negros Oriental

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo, Eliza Borromeo


Isa si Sofia Pablo sa mga naka-close ni Eliza Borromeo sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.'

Magkasabay na lumabas sa Bahay Ni Kuya sina Sofia Pablo at Eliza Borromeo matapos ang sixth eviction night sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Kasunod nito, bumisita sila sa Kapuso Network, kung saan nakapanayam sila ng GMANetwork.com.

Dito ay inilarawan ni Eliza ang naging samahan nila ni Sofia at kung ano ang masasabi ng una sa huli.

Ayon sa Kapamilya ex-housemate, “Si Sofia, para ko po siyang ate, kapag ano po lagi ako sa kanya nagsasabi ng problema ko…”

“Siya rin po 'yung taga-advice sa akin na 'wag, ayan, 'yung ganyan,” dagdag pa ni Eliza.

Sa mga naunang panayam, pinangalanan nila kung sinu-sino ang pinakanamimiss nilang housemates.

Matatandaang si Sofia at isa pang Kapuso ex-housemate na si Anton Vinzon ang madalas na nagluluto sa Bahay Ni Kuya noong sila ay naninirahan pa sa iconic house.

Si Sofia ay nakilala sa teleserye ng totoong buhay bilang Strong-Willed Sunshine ng Quezon City habang si Eliza naman ay tinawag ni Kuya na Determinadong Dilag ng Cavite.

Huwag palampasin ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.

Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na nasa ibaba.