
Napatunayan ni Sofia Pablo) ang kilabot sa set ng upcoming horror film na Huwag Kang Titingin.
Sa guesting ni Sofia kasama si Marco Masa sa Kapuso Artistambayan, ibinahagi ng ex-PBB housemate ang kanyang “creepy” experience habang kinukunan ang kanyang eksena.
“Actually po, 'yung set, hindi naman siya totally creepy, pero parang syempre kapag tina-tape na po namin 'yung scenes. Parang mararamdaman mo na hmm,” pahayag ni Sofia.
Mas lalo pa raw ito naging nakakatakot dahil sa kanyang nakakatayo-balahibong karanasan.
“May kinunan po akong scene na kinakaladkad ako tapos parang pa-ganoon po 'yung cam, so syempre walang tatayo na crew doon or staff kasi sa taping naman diba, clear clear sa set, wala ng tatayo, rolling,” kuwento niya.
Kahit na pinaalis na ang mga tao sa set, ibinahagi ni Sofia na may nakunan na ibang tao sa camera.
“And then, may wall po dito, nandito po 'yung PA ko kasi dito na ako kakaladkarin. And noong nag-cut kasi may dalawang tao raw na nakatayo dun sa likod ko. Navideohan na may [dalawang paa],” aniya.
Ngunit, sa kabila ng nakakakilabot na experience, sabi ng aktres ay nakatulong sa pagkawala ng takot ang kanyang masayahing co-stars.
Dagdag niya, “Pero dahil nga, 'yung samahan naming lahat, masaya talaga kami lahat sa set. Syempre nakatulong 'yun para mas maging light lang 'yung vibes and good for the crew.”
Kasama sa cast sina Shuvee Etrata, Michael Sager, Charlie Fleming, Anthony Constantino, Kira Balinger, at marami pang iba.
Mapapanood ang Huwag Kang Titingin sa mga sinehan simula April 15.
Samantala, silipin dito ang kaganapan sa Huwag Kang Titingin mediacon: