GMA Logo Allen Ansay, Sofia Pablo
Source: sofiapablo/IG
What's on TV

Sofia Pablo, nanibago sa topless scenes ni Allen Ansay sa 'Prinsesa ng City Jail'

By Kristian Eric Javier
Published January 14, 2025 10:22 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Wimbledon: Arthur Fery seeks birthday date with destiny as Novak Djokovic eyes more history
Effects of Kanlaon eruption persist in Cebu the day after
Celebrate National Fries Day with this special 'buy 1, free 1' promo

Article Inside Page


Showbiz News

Allen Ansay, Sofia Pablo


Kinaya ba ni Sofia Pablo ang eksenang topless ni Allen Ansay? Alamin dito.

Hindi maitanggi ni Sofia Pablo na naninabago siya sa ka-love team na si Allen Ansay nang makita itong mag-topless sa isa sa mga eksena nila para sa Afternoon Prime series na Prinsesa ng City Jail.

Isa sa mga eksena na ipinakita sa trailer ng naturang serye ay ang pagkalunod ng karakter ni Sofia na si Princess sa swimming pool. Matapos itong makita ay sinagip ni Xavier, ang karakter ni Allen, si Princess.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, January 13, ay kinamusta ni King of Talk Boy Abunda ang pagta-topless ni Allen sa serye. Pag-amin ng aktor, ito ang unang pagkakataon niya na gawin iyon sa isang serye.

Nang hingin naman ng batikang host ang reaksyon ni Sofia sa naturang eksena, ang sagot ng young actress, “Nagulat po ako.”

Paliwanag niya ay noong nag-look test sila para sa eksena ay naka rash guard lang sina Allen at Radson Flores kaya't nagulat siya nang makita silang naka-topless na sa mismong araw ng taping.

“Tapos paglabas, sabi namin 'Talaga?' Akala po namin inaasar lang kami. Sabi, 'Hindi, 'yan talaga, promise. 'Di kami nagbibiro,'” pag-alala ni Sofia.

Pagpapatuloy pa ng aktres, “Nanibago po ako, sabi ko, 'Kaeksena ko, nakahubad, ano ba 'yan.'”

TINGNAN ANG NAGING TRANSFORMATION NI ALLEN FROM CUTIE TO HOTTIE SA GALLERY NA ITO:

Kuwento naman ni Allen ay hindi rin niya akalain na magta-topless siya noong araw na 'yun at kahit na maraming dalang pagkain si Sofia sa set, ay hindi siya kumain buong araw para ready siya sa nasabing eksena.