GMA Logo Sofia Pablo
What's Hot

Sofia Pablo, nauunawaan kung bakit hindi siya mapanonood sa 'Prima Donnas'

By Aaron Brennt Eusebio
Published September 30, 2020 12:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Batangas court issues another arrest warrant vs. Atong Ang
BTS's comeback album is titled 'Arirang'
LIST: LGUs announce class suspension due to #AdaPH

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo


Base sa guidelines ng Department of Labor and Employment, hindi makakasama si Sofia Pablo sa lock-in taping ng 'Prima Donnas' dahil 14 years old pa lang siya.

Dahil sa inilabas na advisory ng Department of Labor and Employment noong September 11, hindi makakasama sa ginagawang lock-in taping ng Prima Donnas ang teen actress na si Sofia Pablo.

Nakasaad sa advisory na ang mga batang nasa edad 15 hanggang 18 lamang ang pwedeng magtrabaho sa studio o sa location.

Fourteen years old pa lamang si Sofia at sa susunod na taon pa siya magdiriwang ng ika-15 na kaarawan.

“Ba't naman po sasama loob ko kung ngayon lang naman po 'to nangyari, 'tapos may valid reason pa po na government rin po talaga,” saad ni Sofia.

“Nakakalungkot din po and alam ko pong nalulungkot din po 'yung GMA sa nangyari, pero wala po talaga tayong magagawa.”

Prima Donnas


Sa statement na inilabas ng GMA Entertainment Group noong Setyembre 25, ikinalulungkot ng programa na hindi na mapanonood si Sofia sa Prima Donnas bilang pagtalima sa advisory na inilabas ng DOLE.

GMA Entertainment Group statement on Sofia Pablo