
Patuloy na namamayagpag ang career ng Kapuso teen actress na si Sofia Pablo lalo na sa social media dahil nominado siya bilang Celebrity of the Year sa 2021 TikTok Awards Philippines.
Sa mensheng ipinadala ni Sofia sa GMANetwork.com, nagpasalamat si Sofia sa lahat ng mga sumusuporta sa kanya.
"Super happy and shocked kase super dami pong celebrities that use TikTok and certified TikTokers but I am one of the 10 celebrities na nanominate for the award," mensahe ni Sofia.
"Really overwhelmed and speechless about this!
"I also wanna thank TikTok Philippines for this nomination, and of course my supporters and followers sa TikTok.
"This is for all of them!"
@sofiapablo #CelebrityOfTheYearAward Nominee! 🤪💕🏆 #sofiapablo 💕
♬ Butter - 방탄소년단 (BTS)
Nominado rin sa parehong category sina First Yaya star Sanya Lopez, at Voltes V: Legacy actor Miguel Tanfelix.
Puwedeng iboto ng fans ang gusto nilang manalo. Maaaring bumoto hanggang limang beses kada araw. Para makaboto, pumunta lamang DITO.
Samantala, narito ang ilang trends na kinahiligan ng ilang Kapuso celebrities sa TikTok: