GMA Logo Sofia Pablo and Allen Ansay
Source: sofiapablo (IG)
What's on TV

Sofia Pablo on relationship status with Allen Ansay: 'I'm single, but not available'

By Kristian Eric Javier
Published February 10, 2026 12:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

3rd impeachment complaint vs VP Sara reaches Speaker’s office — House SecGen
Heart Evangelista among top stars with highest EMV at Menswear Fashion Week 2026
Red Rainfall Warning up over Leyte, S. Leyte, Cebu areas

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo and Allen Ansay


Wala pa man sa "in a relationship" ang status nina Sofia Pablo at Allen Ansay, meron naman silang pagkakaunawaan sa kanilang relasyon.

Binigyan linaw ng Sparkle actress na si Sofia Pablo ang tunay na estado ng relasyon niya kay Allen Ansay.

Pag-amin ni Sofia sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes kung sila na nga ba ni Allen, “No, not yet.”

Ani Sofia, mayroon silang “special friendship” ng kapwa Sparkle star. “Kumbaga it's a special friendship na alam namin na kung ready na kami magkaroon ng official relationship, 'yung isa't isa.”

Pagbabahagi pa ni Sofia, kahit sa loob ng bahay ay tinanong din siya ni Ashley Sarmiento tungkol sa estado ng relasyon niya kay Allen.

Ang sagot niya dito, “Nasa point na I'm single, but not available.”

Masasabi rin umano ng aktres na tila mutual understanding ang meron sila ngayon ni Allen.

TINGNAN ANG ILANG LITRATO NA NAGPAPAKITA NG SPECIAL RELATIONSHIP NINA SOFIA AT ALLEN SA GALLERY NA ITO:

Samantala, nagulat naman umano si Sofia sa Valentine's date proposal ni Allen sa kanya paglabas ng Bahay ni Kuya. Sabi ng aktres, hindi pa niya alam ang plano nila ng aktor para sa araw ng mga puso, lalo na at ito ang madalas nagpaplano ng kanilang special day.

“Hindi ko po alam sa kanya, ano'ng plano niya. Lagi naman 'yun may surprise kasi ayaw niya po ako pinagpaplano, siya na raw bahala. Sabi ko, 'Okay,'” sabi ni Sofia.

Binalikan din nina King of Talk Boy Abunda at Sofia ang isang tao na pinagselosan umano ng aktres kay Allen. Ngunit ayon sa former PBB housemate, matagal na iyon at ayaw na sana niyang pangalanan.

Ngunit sa pag-uudyok ni Boy ng clue, sabi ni Sofia, “Basta naka-work niya, naka-work niya [sa] GMA.”

Panoorin ang panayam kay Sofia dito: