GMA Logo Sofia Pablo, Allen Ansay
What's on TV

Sofia Pablo, pinapayagan nang lumabas kasama si Allen Ansay

By Kristian Eric Javier
Published December 19, 2024 1:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Akbayan Party-list forum on joint oil exploration with China (Apr. 9, 2026) | GMA News
Man who stole Rottweiler caught on cam, arrested
Mga mangingisda sa Cardona na apektado ng mahal na gasolina, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo, Allen Ansay


Matapos ang kaniyang ika-18 kaarawan, pinapayagan na sa wakas na lumabas si Sofia Pablo kasama si Allen Ansay na silang dalawa lang.

Ngayong 18 na si Prinsesa ng City Jail star Sofia Pablo, marami na siyang pwedeng gawin na hindi niya nagagawa noon. Kabilang na rito ay ang paglabas nila ng ka-love team na si Allen Ansay.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules (December 18), ibinahagi ni Sofia na pwede na siya ngayon matutong mag-drive, na matagal na niya umano gustong gawin, at lumabas kasama ang mga kaibigan.

“Kasi dati po 'pag lumalabas po ako, kailangan isa po sa kanila kasama ko or tita ko. Ayaw nila akong hayaan mag-isa. Pero nu'ng nag-18 ako, talagang 'Gusto mong lumabas with your friends, go with your friends.' Pero siyempre nagpapaalam pa rin po ako,” pahayag ng young actress.

Dahil dito, natanong ni King of Talk Boy Abunda kung maaari na ba siyang lumabas kasama si Allen ng sila lang. Sagot ng Sparkle actress, “Opo, pinapayagan na kami ni mommy. Nakakapag-movie po kami.”

Kuwento ni Sofia ay sobrang hilig niya sa movies, isang bagay na hindi umano na-e-enjoy ng kaniya mommy at sa halip ay nakakatulog ito.

“Ta's one time sabi niya, 'O sige, manood kayo ni Allen.' sabi ko, 'Ha? Totoo ba 'yung naririnig ko? Kami ni Allen?' sabi niya, 'Yeah. 18 ka na, pwede na, pero you know your limits,'” pag-alala ni Sofia.

Sinabihan din ni Boy si Sofia na kumpletuhin ang pangungusap na, “Ngayong 18 na ako, sasagutin ko na si…”

“Si Allen,” natatawang sagot ni Sofia.

Bukod sa Prinsesa ng City Jail na pagbibidahan nila ni Allen, bibida rin si Sofia sa Metro Manila Film Fest entry na Green Bones. Dito ay makakasama niya sina Dennis Trillo, Ruru Madrid, Alessandra de Rossi, at marami pang iba.

Panoorin ang panayam kay Sofia rito:

TINGNAN ANG K-DRAMA DREAM COME TRUE NINA SOFIA AT ALLEN SA KOREA SA GALLERY NA ITO: