
Nakatanggap ng special gifts si Eliza Borromeo mula sa kanyang malapit na kaibigan na si Sofia Pablo.
Nag-celebrate si Eliza ng kanyang 19th birthday at imbes na isa ay 19 gifts ang inihanda at ibinigay ni Sofia para sa kanya.
Sa isang video na mapapanood sa Instagram post ng Sparkle star, masayang nag-unboxing ang Star Magic artist at talaga namang ramdam dito na sobrang na-appreciate ng huli ang love at effort ng una.
Ang mga regalo ni Sofia para kay Eliza ay iba't ibang cute na Pop Mart figures, plushies, at iba pa.
Sulat ng Kapuso actress sa kanyang greeting sa Kapamilya star, “Heppy Berthdey @elizaborromeo_ bb [heart emoji] e lev ye se mech.”
Sa hiwalay na post, ilang photos naman nila together ang ibinahagi ni Sofia na nagsilbing birthday greeting din niya para kay Eliza.
Nagsimula ang friendship ng dalawa matapos silang sabay na lumabas sa Bahay ni Kuya sa recently concluded collab ng GMA at ABS-CBN na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.