What's on TV

Sofia Trazona, pinabulaanan ang akusasyon Alvin Aragon sa pagiging trans woman niya

By Kristian Eric Javier
Published February 25, 2026 11:55 AM PHT
Updated February 25, 2026 12:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Thunder holds off Raptors after Isaiah Joe erupts in third quarter
RTWPB-11 approves P20-P30 wage hike for Davao workers
NAIA announces terminal reassignment for international airlines

Article Inside Page


Showbiz News

sofia trazona


Sinagot ni Sofia Trazona ang mga paratang ni Alvin Aragon tungkol sa kaniyang ama na si Michael Navarro.

Naging mainit ang mga pahayag ng dating StarStruck alum na si Alvin Aragon tungkol anak panganay na anak ni SexBomb Girl Izzy Trazona na si Sofia Trazona. Ito ay tungkol sa pagiging parte niya ng LGBTQIA+ community.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, binalikan ni King of Talk Boy Abunda ang isa sa mga sinabi ni Alvin. Ayon kasi sa dating aktor, noong nakatira si Sofia sa kaniya ay lalaki naman siya. Naging bakla lamang umano ang anak ng kanyang asawa nang nanirahan siya sa kaniyang biological father na si Michael Navarro.

Alegasyon ni Alvin, ito ay dahil wala siyang nakuhang gabay mula sa kaniyang ama.

Ayon kay Sofia, “Mali po 'yun kasi nakita ko din po 'yung interview niya na pagbalik ko daw po, nag-i-split na po ako. Bago pa po siya makarating sa buhay namin, nag-i-split na po ako.”

Sa katunayan, ayon kay Sofia, bata pa lang ay nakikipag-showdown na siya sa mga kapitbahay nila.

“Before po talaga, sobrang feminine ko na, hindi po talaga ako 'yung manly child,” sabi ni Sofia.

Sabi pa ni Sofia, alam ng lahat ang tungkol sa pagiging feminine niya, at kabilang doon si Alvin.

MAS KILALANIN PA SI SOFIA TRAZONA SA GALLERY NA ITO:

Hiningi din ni Boy ang reaksyon ni Sofia sa sinabi ni Alvin na mali ang pagiging bakla.

Pag-amin ng drag queen, isa ito sa mga pinakamasakit na sinabi ng kaniyang step father hindi lang para sa kaniya, kundi sa buong queer community.

“First is it's painful not just in my part but our part kasi this is not the first time na narinig natin siya, e. Not from him, we also heard it from other people,” sabi ni Sofia.

Pagpapatuloy ng drag queen, “Kaya po kahit there's this discriminatory-- Kasi, nasanay na din tayo, Tito Boy, e. At dapat, hindi talaga, we should not accept it talaga.”

Tingnan ang ilang celebrity parents na suportado ang kanilang mga anak na parte ng LGBTQIA community: