GMA Logo Sofronio Vasquez
What's on TV

Sofronio Vasquez, naging vocal coach para sa 'Tawag ng Tanghalan' contestants noon?

By Dianne Mariano
Published January 7, 2025 11:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Sofronio Vasquez


Inilahad ni 'The Voice' USA Season 26 winner Sofronio Vasquez na hindi man siya pinalad na manalo sa 'Tawag ng Tanghalan' ay tinulungan pa rin siya ng 'It's Showtime' at ginawang vocal coach para sa sumunod na contestants.

Isang grand homecoming ang nasaksihan sa It's Showtime kamakailan dahil nagbabalik sa bansa ang “Tawag ng Tanghalan” alum at The Voice USA Season 26 grand champion na si Sofronio Vasquez.

Engrande ang naging opening number ni Sofronio kasama ang ilang “Tawag ng Tanghalan” hurados at mga kampeon ng nasabing singing competition. Labis ang pasasalamat ng Pinoy singer sa bumubuo ng It's Showtime dahil sa pagbubukas ng pangarap sa lahat.

Aniya, “Maraming, maraming salamat po for starting to develop and starting to open up the dreams for everyone.”

RELATED CONTENT: Meet Sofronio Vasquez, 'The Voice' USA's grand champion

Bukod dito, inilahad ni Sofronio na hindi man siya pinalad na magwagi sa “Tawag ng Tanghalan” ay binigyan siya ng trabaho ng It's Showtime bilang vocal coach ng mga sumunod na contestant ng naturang segment.

Aniya, “Hindi naman po nila alam na hindi po tumigil 'yung pangarap ko sa competition. 'Yung Showtime po 'yung mismong nagbigay sa akin ng trabaho at ginawa po akong vocal coach, kaya salamat po.”

Nakatanggap pa si Sofronio Vasquez ng Special Commendation Award mula sa Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit. Ito ay pagkilala para sa kanyang historic achievement bilang first Filipino na nagwagi sa The Voice USA at sa kanyang dedikasyon at talento.

Nanalo si Sofronio Vasquez sa 26th season ng reality singing competition na The Voice USA, kung saan naging coach niya ang singer-songwriter na si Michael Bublé.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.