GMA Logo Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
What's Hot

Sold out 'The Big ColLove' Fancon, ngayong August 10 na

By EJ Chua
Published August 9, 2025 11:16 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump urges Iranians to keep protesting, says 'help is on its way'
Student harassed on the road by rider in Bacolod City
FPJ Sa G! Flicks: 'Asedillo' | Teaser

Article Inside Page


Showbiz News

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition


May pahapyaw ang ilang ex-housemates ni Kuya tungkol sa kanilang sold out event na 'The Big ColLove' Fancon.

Kaabang-abang ang nalalapit na reunion ng ex-housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Related gallery: Meet the Kapuso, Kapamilya housemates of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition

Muling magsasama-sama ang Kapuso at Kapamilya stars na naging parte ng Bahay Ni Kuya ngayong Linggo, August 10, sa fancon event na pinamagatang 'The Big ColLove.'

Sa showbiz report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras para sa GMA Integrated News, may pahapyaw ang ilang ex-housemates tungkol sa big event.

Ayon kay Vince Maristela, “Inaabangan ng mga tao 'yung Pinoy Big Boys. May mga pasabog kaming gagawin.”

Ang upcoming fancon ay pasasalamat umano ng ex-housemates sa lahat ng kanilang fans at iba pang sumuporta sa kanilang naging journey sa loob ng Bahay Ni Kuya at hanggang ngayon na sila ay nasa outside world na.

Pahayag ni Will Ashley, “Pasasalamat namin sa inyo para maibalik naman po namin 'yung favor na ginawa po ninyo para sa amin habang kami ay nasa loob pa ng bahay.”

“Pasabog na po talaga ito,” paglalarawan ni Charlie Fleming sa fancon.

Sabi naman ni AZ Martinez, “So excited to see everyone.”

Samantala, hindi rin dapat palampasin sa 'The Big ColLove' kung sinu-sino ang surprise guests.

Abangan ang exciting na mga kaganapan tungkol sa big event ng 20 ex-housemates ng PBB Celebrity Collab Edition.

Related gallery: Celebrity house guests sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition'