Sa last episode ni Iya Villania sa Taste Buddies, binalikan ni Solenn Heussaff ang ilan sa kanyang masasayang moments kasama ang kanyang co-host at kaibigan.
WATCH: Why did Iya Villania and Solenn Heussaff cry during Taste Buddies' Quickie Quiz?
"'Di ba sobrang awkward sa umpisa?" pagsisimula ni Solenn.
Ayon kay Solenn, hindi sila close friends ni Iya nang magsama sila sa Taste Buddies. Kaya naman sa kanilang pictorial, naging awkward umano sila sa isa't isa.
Aniya, "We knew each other hello, hi, ganun. Tapos 'yung mga poses namin parang super close na, eyes looking na. Sobrang so awkward na parang sobrang close parang 'Oh my God.'"
"In fairness sa mga photos ha? Mukha talagang close na close kaming dalawa," dagdag ni Solenn.
Sa tagal nilang magkasama bilang hosts ng Taste Buddies, naging mabuti silang magkaibigan ni Iya. Pahayag ni Solenn, "We're friends now."
Ibinahagi rin ni Solenn ang ilan sa mga katangian ni Iya na kanyang nakita sa kanilang pagsasama bilang hosts.
"Nung nakilala ko siya, talkative. It's good para maging komportable 'yung mga tao sa paligid mo. Pangalawa 'yung sporty. Halatang-halata sa katawan mo, mas lalo sa braso mo. Friendly, friendly siya kahit kanino."
MORE ON IYA VILLANIA AND SOLENN HEUSSAFF:
Solenn Heussaff and Iya Villania play #BFFGoals in 'Taste Buddies'
Iya Villania warns Solenn Heussaff of what comes after the wedding
Iya Villania describes how she helped Solenn Heussaff plan her wedding