
Hindi lamang ang fans ang may pagmamahal sa mundo ng Encantadia, kundi pati na rin ang buong cast ng GMA superserye.
Mula 2016 hanggang sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, tila may espesyal na lugar ang serye sa mga puso ng mga artistang naging bahagi nito.
Isa na rito si Solenn Heussaff, na bumalik sa pag-arte upang muling gampanan ang minamahal na karakter na si Cassiopea.
"Sabi ko, hindi ko talaga pwedeng sabihin na 'No.' Kasi Cassiopea's role is really close to my heart talaga," pahayag niya sa panayam ng 24 Oras.
Bukod sa kanyang pagbabalik sa mahiwagang mundo ng Encantadia, masaya rin si Solenn sa mga twists at development ng istorya ng superserye.
"I love that the show has come up with so many different angles, so many new characters. It's also very nice to get to see the 2016 cast din. Kasi super close kami," ani Solenn.
Patuloy mapapanood si Solenn Heussaff bilang Bathaluman Cassiopea sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
Samantala, balikan ang highlights ni Solenn Heussaff noong November 2025 sa gallery na ito: