
Patuloy na humahanga si Solenn Heussaff sa visual effects ng kinabibilangan niyang superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Sa interview ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, ipinarating ni Solenn kung paano siya napabilib sa effects ng Sang'gre ngayon, maging sa transformation nina Flamarra (Faith Da Silva), Deia (Angel Guardian), Adamus (Kelvin Miranda), at Terra (Bianca Umali) sa kanilang warrior costumes.
"Super ganda ng effects din ngayon, so nakakaaliw. Every time I see it, I'm like, 'Oh, napakaganda naman 'to.'
Nagbigay rin ng teaser si Solenn Heussaff kung magkikita na bang muli ang kanyang karakter na si Cassiopea at kapatid nito na si Mitena, na ginagampanan naman ni Rhian Ramos.
"May malaking shift ang mangyayari o malaking change na hindi ma-e-expect ng mga tao," sabi niya.
Patuloy na subaybayan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
SAMANTALA, BASAHIN ANG REAKSYON NG NETIZENS SA ICONIC TRANSFORMATION NG MGA BAGONG SANG'GRE DITO: