GMA Logo Solenn Heussaff
What's on TV

Solenn Heussaff, excited na sa pagbabalik ng 'Taste Buddies'

By Maine Aquino
Published July 8, 2020 4:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Paglangoy sa dagat ng mga PWD, mas pinadali gamit ang specialized equipment ng "Beach for All" Project
Libreng pap smear at breast exam, hatid ng GMAKF sa Catanduanes ngayong Women's Month | 24 Oras
Man punches senior citizen during road altercation; faces raps

Article Inside Page


Showbiz News

Solenn Heussaff


Ano nga ba ang gagawin nina Solenn Heussaff at Gil Cuerva sa 'Taste Buddies' ngayong new normal?

Ibinahagi ni Solenn Heussaff na excited na siya sa pagbabalik trabaho sa Taste Buddies.

Kuwento ni Solenn sa kanyang interview sa 24 Oras, magkakaroon ng pagbabago ang programa dahil sa new normal.

Saad ng Taste Buddies host, "Super excited na rin ako na bumalik sa trabaho."

Dagdag pa ni Solenn, magkaiba sila ng location ng kanyang co-host na si Gil Cuerva sa pag-shoot ng kanilang programa. Si Gil ay ang host sa labas habang si Solenn naman ay mag-shoot ng videos sa kanyang bahay.

"For now baka si Gil will be the one on the grounds tapos ako gagawin ko yung mga videos ko sa bahay kasi may studio na ako dito."

Simula ngayong July 12 ay magsisimula na ipalabas ang mga fresh episodes ng Taste Buddies. Ito ay mapapanood tuwing 10 a.m. sa GMA Network. Ang replays naman ay mapapanood pa rin sa GMA News TV tuwing Sabado, 8:30 p.m.


'Taste Buddies' to air every Sunday on GMA Network