
Sa Sarap, 'Di Ba?, ibinahagi ni Solenn Heussaff sa isang game kung ano ang ayaw niyang manahin ng kanyang baby girl.
Pagsisimula ni Solenn, "Ang dami my gosh!"
Pagpapatuloy pa ng Taste Buddies host, may sinabi si Nico na huwag sana manahin ng kanilang baby girl.
"Sabi ni Nico, kapag babae 'yung baby sana parang hindi katulad mo kasi I'm not very conservative let's just say."
JUST IN: Solenn Heussaff and Nico Bolzico are expecting a baby girl!
Paglilinaw ni Solenn, may age siya na kung saan naging adventurous siya at nais niya sanang hindi ito mamana ng kanyang anak.
"Especially 15 ako to 21, super lokaret. I was very adventurous, feeling ko I'm Superman. Sana opposite siya."
Panoorin ang kanyang iba pang kuwento sa Sarap, 'Di Ba?