
Inamin ni Solenn Heussaff na nahirapan siya ngayong quarantine period na maging productive at ipagpatuloy ang kanyang regular routine.
Kuwento ni Solenn sa ginanap na Zoomustahan with Kapuso Brigade, apektado ang kanyang productivity dahil nasa isang lugar lamang siya.
Photo source: @solenn
"Kapag nag-vlog ka dapat maraming travels, maraming iba't ibang sceneries, puwede kang mag-interview sa ibang tao, so ngayon I need to do everything na ako lang so feeling ko baka mabo-bore yung tao na ako lang 'yung nakikita nila."
Ayon pa sa multi-talented actress, ginawa niyang motivation ay ang pag-visualize na matatapos rin ang lahat ng ating pinagdadaanan ngayong may COVID-19 pandemic.
"I think what motivates me is obviously I think life will become normal pretty much sooner than later."
Dugtong pa niya, kailangan gumawa ng iba't ibang activities para maging healthy ang katawan at isip ng isang tao.
"If you stay in bed or if you stay on the couch na wala kang ginagawa, na malungkot ka lang sa buhay, wala talagang mangyayari.
"You need to make things happen for yourself. You need to make things happen to keep also your mind sane."
Saad pa ni Solenn, priority niya na maging happy at healthy hindi lang ang kanyang sarili, pati na rin ang kanyang asawa na si Nico Bolzico at anak na si Thylane.
"Kung depressed ako, baka maging depressed din yung mga tao sa bahay. Baka in a bad mood ako, Thylane will feel bad, Nico will feel bad."
Pagpapatuloy niya, "Taking care of myself, eating right, exercising correctly and keeping productive is going to keep my mind healthy, is going to keep me happy.
"Kung happy ako, magiging happy din 'yung mga kasama ko dito sa bahay. Yung priority ko sila, ginagawa ko 'yan lahat para sa kanila."
Related content:
Solenn Heussaff, Nico Bolzico, and Baby Thylane grace first magazine cover as family
Solenn Heussaff, ibinahagi ang mga pagbabagong mapapanood sa 'Taste Buddies'
SNEAK PEEK: Escape the ordinary with 'Taste Buddies'