What's on TV

Solenn Heussaff, ibinahagi ang mga pagbabagong mapapanood sa 'Taste Buddies'

By Maine Aquino
Published November 4, 2020 5:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Solenn Heussaff


Mapapanood na muli si Solenn Heussaff sa fresh episodes ng 'Taste Buddies' starting on November 7.

Excited na si Solenn Heussaff na magbalik sa kanyang Saturday lifestyle show na Taste Buddies.

Si Solenn ay mapapanood na muli sa Taste Buddies simula ngayong November 7 kasama ang kanyang co-host na si Gil Cuerva.

Kuwento ni Solenn sa ginanap na Zoomustahan kasama ang kanyang fans from Kapuso Brigade, "Taste Buddies is my pinaka-first baby. Ilang years na 'yung Taste Buddies at kasama din ako na isa sa mga hosts since then until now."

Dahil natatakot pa umanong lumabas si Solenn ngayong may COVID-19 pandemic, siya ay mapapanood muna mula sa kanyang bahay.

Solenn Heussaff in Taste Buddies


"'Yung mga first episodes ng Taste Buddies nandoon ako pero shooting from home. Si Gil naman team escape at ako naman ang team bahay."

Inamin ni Solenn na magiging iba ang flow ng kanyang trabaho sa nakasanayan niya noon dahil sa siya ang gagawa ng lahat ng kailangan sa isang shoot sa kanyang bahay.

Saad niya, "May mga changes, ako lang nandito mag-isa sa house, ako 'yung cameraman, ako 'yung chef, ako 'yung host. But it's a fun experience."

Naniniwala pa ang Taste Buddies host na magugustuhan ito ng manonood dahil maipapakita niya ang ibang side ng kanyang buhay.

"I think magugustuhan ng mga tao, kasi people love to see the environment you live in. So I think a lot of people will enjoy 'yung mga shoot ko sa bahay for Taste Buddies."

Abangan ang fresh episodes ng Taste Buddies starting on November 7, 8:45 p.m. sa GMA News TV. Sa mga nais naman sumali sa Kapuso Brigade, mag-message lamang sa social media accounts nito sa Facebook, Twitter, at Instagram.

Kapuso Showbiz News: Solenn Heussaff, emosyonal sa pagbabalik-trabaho para sa 'Taste Buddies'


Gil Cuerva, excited na sa fresh episodes ng 'Taste Buddies'