Tunghayan ang natatanging pagganap ng 'Taste Buddies' host ngayong Sabado (July 25) at 2:30 p.m.
By CHERRY SUN
Matapos ang isang trahedya ay hindi na mapunan ng kanyang mister ang pangangailangan ni Anne. Kaya naman, mas minarapat na lamang ng asawa niya na ipaubaya siya sa ibang lalaki.
Ito ang masaklap na buhay pag-ibig na bibigyang-buhay ni Solenn Heussaff sa Karelasyon.
Binahagi ni Solenn sa kanyang Instagram post, “Kayamanan, kagandahan at guwapong nobyo. Tila lahat ay mayroon na si Anne. Pero isang matinding mangyayari ang babago sa kaniyang buhay.”
Katatampukan din ang kuwento nina Fabio Ide at Mark Herras.