GMA Logo Solenn Heussaff
Celebrity Life

Solenn Heussaff, inaming nakaranas ng ups and downs ngayong 2020

By Maine Aquino
Published November 5, 2020 12:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Solenn Heussaff


Ibinahagi ni Solenn Heussaff na tulad ng nakararami, hindi naging madali ang taong 2020 para sa kanya.

Inamin ni Solenn Heussaff na iba't ibang emosyon ang kanyang naramdaman ngayong 2020 lalo na't nagkaroon ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Solenn, "May mga days na okay naman at may mga days na hindi okay. I think that's all part of this 2020."

Kuwento ni Solenn sa Zoomustahan with Kapuso Brigade, marami siyang natutunan sa kanyang sarili ngayong taon lalo na't sumailalim ang ating bansa sa ilang buwan na quarantine.

"Marami akong natutunan sa sarili ko. May mga days na medyo down...May mga ups and downs, I think like everyone, unexpected year para sa ating lahat."

Solenn Heussaff

Photo credit: @solenn (IG)

Sinasabihan niya umano ang kanyang asawang si Nico Bolzico ng mga bagay na kanyang nami-miss ngayong new normal.

Saad ni Solenn, "Nagsabi ako kay Nico na miss ko na talaga mag-travel, miss ko na ang walang mask kahit sa labas lang ng bahay."

Kahit may lungkot at takot siyang nararamdaman sa pandemic, nagkaroon ng blessing ang 2020 kay Solenn na isang first time mom.

"Para sa akin malaking blessing in a weird way itong pandemic dahil hands at full-on 'yung buong time ko para kay Thylane.

"Ako nagbi-bathe sa kanya, ako nagfi-feed sa kanya, as in super hands-on ako. I'm really getting to know my daughter."

Dugtong pa ni Solenn, ang makasama si Thylane sa buong first year niya at makita lahat ng milestones nito ay isang blessing sa kanya bilang mommy.

"I wouldn't have had it any other way. Super happy ako na 'yung buong first year of her life, nandoon talaga ako sa harap niya. Ako lang nakikita niya; ako at si Nico. I'm very happy about that."

Solenn Heussaff, ibinahagi ang mga pagbabagong mapapanood sa 'Taste Buddies'

Solenn Heussaff, Nico Bolzico, and Baby Thylane grace first magazine cover as family