
Kahit parte ng iisang grupo ng magkakaibigan, aminado si Solenn Heussaff na naging mas malapit lang siya kay Anne Curtis nang mapangasawa nito ang kapatid niyang si Erwan Heussaff.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, January 21,sinabi ni Solenn na maganda ang relationship niya ngayon kay Anne. Ipinahayag din niya kung gaano siya kasayang napangasawa ng kaniyang kapatid ang aktres at kaibigan.
“I'm really happy, actually, that they married because before naman we were friends, same barkada, but I was never very close to her kasi sa isang barkada na malaki, siyempre you'll be closer to one,” sabi ni Solenn.
At kahit umano nagkakasama sila sa mga event, hindi sila ganoong kalapit sa isa't isa para mag-lunch out ng magkasama.
“It's only when she married my brother, and of course, nag pandemic din and we had our kids at the same time, two months apart, that we really got to know each other,” sabi ni Solenn.
Ngayon, mas madalas na niyang makita ang aktres at minsan, tatlong beses sa isang linggo sila kung magkita.
“Her schedule last year was a bit crazy, but I do see her like very often, and we're very close, very aligned with our values and the things that we want in life, and yeah, that's very chill,” sabi ni Solenn.
BALIKAN ANG MALALIM NA PAGKAKAIBIGAN NG IT GIRLS SA GALLERY NA ITO:
Parte sina Solenn at Anne ng tinaguriang “It Girls” noong 2000s, kasama sina Georgina Wilson, Isabelle Daza, Liz Uy, Bea Soriano-Dee, at Martine Ho. Para sa aktres, ang kanilang pagiging It Girls ay nangangahulugan ng kanilang matalik na pagkakaibigan.
“Kasi natural friendship, no competitions kasi usually, kapag puro babae, baka may cat fights, may competitions, but we all pull each other up, we all look up to each other, so parang if Georgina's doing something great, parang 'Oh, she's capable of doing that.' Ako din, capable. Parang we have that pull,” sabi ni Solenn.
Panoorin ang panayam kay Solenn dito sa video sa itaas.