Article Inside Page
Showbiz News
Nakakatuwang malaman na kahit tapos na ang 'Adarna', patuloy pa rin sa Tagalog lessons si Solenn Heussaff.

Nakakatuwang malaman na kahit tapos na ang
Adarna, patuloy pa rin sa Tagalog lessons si Solenn Heussaff.
Kuwento ni Solenn, plano niya talagang maging mahusay sa pagsasalita ng Tagalog. Saad niya, “I want to polish my Tagalog.”
Ibinahagi rin ni Solenn ang kanyang pakiramdam noong nalaman niyang diwata ang kanyang karakter na gagampanan sa
Adarna.
“Noong nalaman ko na-stress ako. Sabi ano'ng role ko? Sabi nila, diwata. Ang naisip ko malalim ba tulad ng sa
Indio? Baka raw, pero di masyadong malalim, pero mas malalim kesa sa mga regular na tao.”
Dagdag ni Solenn hindi naman siya nahirapan rito. Pahayag niya, “Sa first taping day, sobrang easy.”
“May coach din ngayon sa set every time nababasa ko 'yung script may mga punctuation kung saan dapat 'yung stress so mas mabilis mag-learn.”
Dahil sa host din si Solenn sa
Taste Buddies kasama ang kanyang kaibigan na si Isabelle Daza, patuloy pa rin umano siya sa kanyang pag-aaral ng Tagalog.
“I really want to take Tagalog lessons para mag-improve. Kasi gusto ko mas up [ang level] sa Tagalog,” pagtatapos niya.
Abangan si Solenn Heussaff sa
Taste Buddies. Para sa iba pang updates tungkol kay Solenn Heussaff at iba pang Kapuso artists, patuloy na mag-log on sa
www.gmanetwork.com
-Text by Maine Aquino, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com