
Matapos ang ilang buwan ay muling nakapag-out-of-town ang couple na sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico kasama ang 11-month-old baby nilang si Thylane Katana kamakailan.
Sa Taytay, Palawan ang kanilang recent family beach trip at bago raw sila nakapunta roon ay kinumpleto nila ang required documents at sinunod ang lahat ng health and safety protocols.
Dagdag pa ng aktres, private island din ang kanilang pinuntahan kaya hindi marami ang tao.
“It's an island of my friend din. Walang ibang tao talaga kaya pumayag ako. Medyo natakot ako kasi first time ko sumakay sa plane after one year and eight months kasi nung five months na pregnant ako bawal na akong lumipad. So, it's my first time in so long to take a plane. Medyo weird but okay naman,” aniya nang makapanayam ng 24 Oras.
Hindi lang para sa kanilang mag-asawa ang beach trip dahil gusto rin niyang makalabas ng bahay paminsan-minsan si Thylane, lalo na dahil mahilig ito sa outdoor activities.
“Super outdoor na bata siya kasi gusto niyang gumulong sa grass, sa mud. Ganu'n siya. Hindi pa 'yan nakasuot ng sapatos.
“Very wild child siya. So, 'pag nasa beach kami sa farm na outdoors na may pool and grass to run around super aliw siya,” aniya.
Silipin ang nakaaaliw na family photos ni Thylane Katana sa gallery na ito:
Samantala, bukod sa pagiging hands-on mommy ay abala rin si Solenn sa trabaho bilang host ng GMA News TV show na Taste Buddies at business niyang Solenn Manila, isang store kung saan mabibili ang mga local products. Co-created ni Solenn ang mga produkto kasama ang ibang makers at designers, mula sa home décor hanggang sa home scents at mga pagkain.
“Why don't I just make a store na curated by me. So, lahat ng finds ko puwede mong hanapin doon at in the same time since lagi ako pro support local I can also help the local brands,” aniya.
Nakipag-collaborate rin kamakailan si Solenn sa Elin, isang local online clothing store na para sa mga breastfeeding mother.
Ang collaboration ay tinatawag na Elin.Katana, na ipinangalan sa baby niyang si Thylane Katana. Ito ay isang Japanese-inspired clothing collection para rin sa mga nursing mothers.
“Atleast I get to use talaga my diploma, Fashion Designer. Now I have the time talaga to sit down and focus on the things that I really want to do,” sabi pa ni Solenn.
Inilunsad ng actress-entrepreneur ang kanyang clothing business noong August.