GMA Logo soliman cruz at the Venice International Film Festival
What's Hot

Soliman Cruz walks on the red carpet of 79th Venice International Film Festival

By Jansen Ramos
Published September 7, 2022 2:17 PM PHT
Updated September 7, 2022 2:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

4 weather systems to bring cloudy skies, rains over Luzon
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

soliman cruz at the Venice International Film Festival


Si Soliman Cruz ang lead actor sa international movie na 'To The North' na kasali sa Orizzonti competition ng Venice International Film Festival ngayong taon.

Rumampa ang award-winning actor na si Soliman Cruz sa red carpet ng 79th Venice International Film Festival noong Lunes, September 5.

Bida siya sa feature debut film ng Romanian director na si Mihai Mincan na To The North, na isa mga kasali sa Orizzonti competition ng nasabing film festival ngayong taon.

Inintriga naman ang pagsusuot ni Sol ng puting polo sa red carpet ng Venice International Film Festival. Pero ayon sa manager niyang si Ferdy Lapuz, nawala ang luggage ng aktor kaya hindi ito nakapag-Barong.

Sa To The North, gumanap si Sol bilang Joel, isang relihiyosong Filipino sailor na nakatuklas sa Romanian stowaway na si Dumitru na nagtatago sa pagitan ng mga container sa transatlantic ship na pinagtatrabahuhan ni Joel.

Nanganganib ang buhay ni Dumitru kaya itinago siya ni Joel mula sa mga Taiwanese officer dahil sa kanyang pananampalataya sa Diyos.

Si Dumitru ay ginampanan ng Romanian actor na si Nikolai Becker. Parte rin ng cast ng To The North ang kapwa Pinoy actor ni Sol na si Bart Guingona.

Nadiskubre ng To The North director na si Mihai Mincan si Soliman nang mapanood siya nito sa 2013 Filipino psychological drama film ng award-winning filmmaker na si Lav Diaz na Norte, the End of History sa isang film festival. March 2021 nang tumungong Europa sina Sol at Bart para gawin ang To The North.

Hindi na matatapos ni Soliman ang 79th Venice International Film Festival na tatakbo hanggang September 10 dahil nasa biyahe na siya pauwi ng Pilipinas ngayong September 7 para gawin ang tatlo pa niyang pelikula.

Samantala, kasalukuyang napapanood si Soliman sa GMA and Quantum Films series na What We Could Be na ipinapalabas sa GMA Telebabad.

TINGNAN ANG MGA LARAWAN SA SET NG WHAT WE COULD BE: