
Gunitain natin ang late award-winning actress na si Cherie Gil sa digital channel na I Heart Movies.
Mapapanood kasi ngayong linggo ang pelikula niyang Sonata, directed by Peque Gallaga and Lore Reyes.
Gaganap siya rito bilang Regina, isang opera singer na naka-base sa Europe na mawawalan ng boses.
Hindi maipaliwanag ng mga doktor ang sanhi ng kanyang kundisyon kaya mamarapatin ni Regina na umuwi muna siya sa kanyang hometown sa Negros.
Ano ang madadatnan ni Regina sa kanyang homecoming?
Abangan ang Sonata, November 11, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Maglakbay naman patungo sa kakaibang mundo kasama ang Ibong Adarna: The Pinoy Adventure.
Isa itong panibagong adaptation na magbibigay ng mas Pinoy na twist sa 16th-century Filipino epic poem na "Ibong Adarna."
Tampok dito si Kapuso actor Rocco Nacino kasama ang star-studded at award-winning cast na kinabibilangan nina Joel Torre, Angel Aquino, Leo Martinez, Ronnie Lazaro at marami pang iba.
Abangan ang Ibong Adarna: The Pinoy Adventure sa November 14, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.