
Masayang ikinuwento ni songwriter Kian Dionisio kung paano natupad ang kanyang dream collaboration kasama si dating Orange and Lemons vocalist Mcoy Fundales.
Sa interview sa Behind The Song Podcast, ibinahagi ni Kian na isinusulat niya pa lamang ang kantang "Bakit Kita Hahabulin" ay si Mcoy na ang singer na nasa isip nito.
"Nu'ng ginagawa ko kasi 'yung song talagang si Sir Mcoy 'yung nasa utak ko na kakanta. Kahit nu'ng paano ko s'ya kinanta ginagamit ko na 'yung boses ni Sir Mcoy, kung papaano n'ya kantahin 'yung song. Talagang hindi ko akalain na mangyayari itong collaboration sa buhay ko," kuwento ni Kian.
Ayon naman kay Mcoy, unang beses pa lamang niyang marinig ang kanta ni Kian, gusto niya na ang style ng pagsusulat nito.
"Gusto ko na talaga siya kasi it's very much my style, 'yung songwriting din. Pinoy na Pinoy 'yung sensibilities, may kuwento. Kasi ako I write for TV din. As a songwriter, I tried to write songs din na may story o plot twist sa dulo. Minsan nga may punch line na kahit 'yung mga kantang isinusulat ko," paliwanag ni Mcoy.
Dagdag niya, "It will be an honor and pleasure to record the song, to interpret for him."
Noong June 2019 nang ilabas ang 'Bakit Kita Hahabulin' bilang comeback single ni Mcoy matapos ang siyam na taon.
Panoorin ang buong interview nina Mcoy Fundales at Kian Dionisio sa Behind The Song Podcast:
Maaari rin itong mapakinggan sa Spotify.
Samantala, mas kilalanin pa si Kapuso host Thea Astley sa gallery na ito: