
Muling umani ng papuri ang Abrenica family mula sa netizens at kanilang fans.
Sa bagong vlog na in-upload nina Sophie Albert at Vin Abrenica sa YouTube, ibinahagi ng celebrity couple ang ilang naging kaganapan sa kanilang recent vacation.
Sulat nila sa description ng kanilang vlog, "A taste of our dream probinsya life."
Vin Abrenica and Sophie Albert's official garden wedding photos look straight out of a fairytale!
Nagtungo sina Sophie, Vin, at kanilang pamilya sa isang beach sa La Union kamakailan lang para sa isang quick family vacation.
Tampok sa naturang vlog ang bagong experiences ng kanilang panganay na anak na si Ava habang sila ay nasa probinsya.
Isa na sa mga ito ang pagpunta sa palengke. Masayang isinama ng couple ang kanilang anak na si Ava sa isang palengke sa La Union at mapapansin sa vlog na tila sobrang na-enjoy ng huli.
Sa comments section, mababasa ang positive reactions ng netizens at fans tungkol sa Abrenica family.
Isa sa kanila ay sinabing humble ang pamilya nina Sophie at Vin.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 36,000 views ang bagong vlog ng couple sa YouTube.
Samantala, bukod kay Ava, hands on at loving parents din sina Sophie at Vin sa kanilang newborn baby na si Amara.