
Patuloy sa pag-aayos ng kanilang kasal ang celebrity couple na sina Sophie Albert at Vin Abrenica.
Sa kanilang latest vlog ay ipinakita nila ang kanilang paghahanda na ginagawa para sa nalalapit nilang kasal. Ilan sa kanilang mga inasikaso ay ang fitting ng gown. Napanood rin ang fitting nina Sophie at Vin para sa kanilang custom wedding shoes. Sinundan pa ito ng pagpili ng kanilang wedding rings.
Kuwento ni Sophie sa kanilang vlog, "We still have a few months to go. We still have a long way to go."
Pag-amin pa ni Sophie ay hindi pa nagsi-sink in na ikakasal na sila ni Vin.
PHOTO SOURCE: @itssophiealbert
"Until now, hindi pa rin siya nagsi-sink in. I don't know. Honestly kasi, our wedding it's just going to be like a celebration."
Paliwanag ng Kapuso star ay walang magbabago pagkatapos ng kanilang kasal.
"It's not going to change anything 'cause we're already a family, we already live together. It's mostly just like celebrating the love that we already have."
Dugtong pa ni Sophie, "Our lives aren't going to change after the wedding, we're still gonna come home to the same house."
Inamin naman ni Sophie na excited na siyang makuha ang last name ni Vin pagkatapos nilang ikasal.
"Our situation doesn't really change anything, my daughter (Ava) has Vin's last name already, parang what's exciting lang is for me to have the same last name as my daughter and Vin. That's what I'm excited about."
Panoorin ang wedding preparation nina Sophie at Vin sa kanilang vlog:
SILIPIN ANG PRENUP PHOTOS NINA SOPHIE AT VIN: