GMA Logo Sophie Albert
Photo source: @itssophiealbert
What's on TV

Sophie Albert, nanibago sa pagbabalik-taping pagkatapos ipanganak si Avianna

By Maine Aquino
Published August 10, 2021 2:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

ICC prosecutor Khan says his suspension violated procedures
Bacolod fortifies borders vs ASF
Pinoy energy electrifies '&FRIENDS Festival 2026'

Article Inside Page


Showbiz News

Sophie Albert


Alamin ang kuwento ni Sophie Albert nang mag-taping siya sa unang pagkakataon para sa 'My Fantastic Pag-ibig: Beast Next Door.'

Ikinuwento ni Sophie Albert ang kanyang unang taping experience sa new normal.

Si Sophie ay sumabak sa kanyang unang taping para sa My Fantastic Pag-ibig: Beast Next Door pagkatapos niyang ipanganak si Baby Avianna.

Ang first baby nina Sophie at Vin Abrenica ay ipinanganak noong March 15.

Sophie Albert and Avianna

Photo source: @itssophiealbert

Kuwento ni Sophie sa Facebook Live ng My Fantastic Pag-ibig, nangapa siya sa pagbabalik sa taping.

"Sobra akong nangangapa. Since giving birth first time kong mag-taping ulit. Tapos siyempre new normal ngayon. Ang daming different protocols. It was such a different experience."

Ibinahagi rin ng Kapuso actress ang kanyang napansin na safety protocols sa taping.

"Nakakapanibago na hindi ka puwede magbeso sa mga kapwa artista, or sa director, or sa mga staff. Parang super social distancing doon."

Isa pa sa inamin ni Sophie ay ang pangangapa niya sa pag-arte.

"Medyo nangapa ako umarte ulit. Super nakakapanibago siya."

Kahit naka-experience ng adjustments si Sophie sa pag-arte sa harap ng camera ay nagpapasalamat siya dahil kasama niya rito si Gil Cuerva. Ang tambalang Sophie at Gil ay gumaganap na Ashley at Wanggo sa My Fantastic Pag-ibig: Beast Next Door.

"I had so much fun. Buti na lang si Gil kilala ko na siya kasi nagka-workshops kami before. It was very easy working with him."

Saad rin ni Sophie na gusto niya ulit mag-taping at umaasa siyang bumalik na sa normal ang lahat.

"Gusto ko mag-taping ulit. Hopefully, things go back to normal soon and we can do it again."

Narito ang ilang eksena mula sa My Fantastic Pag-ibig: Beast Next Door:

RELATED CONTENT:

WATCH: Sophie Albert's post-pregnancy workout routine with Vin Abrenica

LOOK: Sophie Albert and Vin Abrenica's first at-home photoshoot with Baby Avianna