
Nagsama-sama ang mga sosyaling Kapuso actresses sa Pinoy comedy film na Sosy Problems na mapapanood ngayong linggo sa digital channel na I Heart Movies.
Tampok dito sina Heart Evangelista, Solenn Heussaff, Rhian Ramos, at Bianca King bilang apat na sosyalera.
Si Heart ay si Claudia, anak ng isang beauty queen. Half sister niya si Margaux, played by Solenn, na anak din ng isa pang beauty queen.
Si Rhian naman ay si Lizzie, ang spoiled na anak ng isang hotelier, habang si Bianca ay si Danielle, anak ng pulitikong malapit nang ma-impeach.
Mamomroblema ang apat nang malaman nilang gigibain ang Polo Club, ang paborito nilang tambayan, at papalitan ito ng isang mall na sa palagay nila ay hindi "sosy" o sosyal.
Ano ang gagawin ng apat para pigilan ang pagkawala ng kanilang Polo Club?
Abangan 'yan sa Sosy Problems, April 22, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Para naman sa mga fans ng action-thriller movies, nariyan ang Overtime starring Richard Gutierrez and Lauren Young.
Magigising ang karakter ni Lauren na si Jodi, isang executive assistant sa malaking pharmaceutical company, na may nakakabit nang bomba sa kanyang katawan.
Ikinabit ito sa kanya ng misteryosong lalaking si Dom, played by Richard.
Paano mauutakan ni Jodi si Dom para iligtas ang kanyang sarili?
Huwag palampasin ang Overtime, April 21, 10:20 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.