GMA Logo Lolong Bayani ng Bayan
What's on TV

Soundtrack ng 'Lolong: Bayani ng Bayan,' available na for streaming

By Marah Ruiz
Published February 26, 2025 5:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: Gabe Norwood’s final buzzer comes as Rain or Shine campaign ends in QF
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Lolong Bayani ng Bayan


Maaari nang i-stream online ang soundtrack ng 'Lolong: Bayani ng Bayan.'

Available na online for streaming ang soundtrack ng action-adventure series na Lolong: Bayani ng Bayan.

Binubuo ito ng limang tracks kabilang ang "Your Love" na original song ng bandang Alamid at inawit nina Mark Bautista at Aicelle Santos, pati na ang cover ni Garrett Bolden ng "Hanggang" na orihinal na mula kay Wency Cornejo.

Bahagi rin ng soundtrack ang "Ubtao Chant" na performed by Crystal Paras, at instrumental versions ng "Your Love" at "Hanggang."

Pakinggan ang official soundtrack ng Lolong: Bayani ng Bayan sa Spotify, Apple Music, YouTube music sa ilalim ng GMA Playlist.

Samantala, sa ika-anim na linggo ng Lolong: Bayani ng Bayan, masusubukan ang tiwala ni Lolong (Ruru Madrid) sa mga tao sa paligid niya.



Isisiwalat ni Nando (Nonie Buencamino) sa kanya ang tunay na kulay ng kilalalang negosyante at philantropist na si Julio (John Arcilla).

Kasabwat na rin ni Julio ang pinagkakatiwalaang ni Lolong na si Mayor Flavio (Rocco Nacino).

Kanino ba dapat kumapi si Lolong?

NARITO ANG MGA EKSENANG DAPAT ABANGAN SA LOLONG: BAYANI NG BAYAN:



Patuloy na tumutok sa dambuhalang adventure serye na Lolong: Bayani ng Bayan, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

May delayed telecast din ito sa GTV, 9:40 p.m. at maaaring panoorin online sa Kapuso Stream.