
Rhythm of love month ang handog ng Family Feud sa “More Tawa, More Saya, More Love” Wednesday!
Ngayong February 18, high-stakes at cross-generational showdown ang mapapanood sa tapatan ng dalawang sikat na banda sa Pilipinas.
Ipakikita ang soul at R&B vibes sa Family Feud ng iconic '90s band na South Border. Maglalaro sa Family Feud stage ang vocalist, keyboardist, at master songwriter na si Jay Durias. Makakasama niya ang kanyang world-class bandmates: ang bassist na si Manuel “Tabs” Tabuñar, ang drummer na si Otep Concepcion, at ang saxophonist na si Johndave Picache.
PHOTO SOURCE: Family Feud
Hindi naman pahuhuli ang phenomenal showband noong late '70s hanggang '80s na Music & Magic. Tatayong leader ng kanilang team ang multi-talented vocalist, comedienne, at actress na si Fe de los Reyes. Kasama niya ang powerhouse vocals na si Jet Montelibano, guitar maestro na si Butch Elizalde, at ang drummer na si Nonoy Mendoza.
Abangan ang rare television moment ng maestros of melody sa Family Feud ngayong February 18, 5:40 p.m. sa GMA.
Subaybayan ang fresh episodes ng Family Feud Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000!