GMA Logo A scene from VIP
What's Hot

South Korean office mystery drama na 'VIP,' mapapanood na ngayong November 30!

By Marah Ruiz
Published November 30, 2020 10:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Netanyahu orders deeper Israeli incursion into Lebanon
Marian Rivera, Max Collins, Kris Bernal, more stars shine at grand launch of luxury home scent brand
Farm to Table: (May 31, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

A scene from VIP


Tunghayan ang huli at pinakamatinding handog ng GMA Heart of Asia ngayong taon--'VIP,' simula ngayong November 30, 10:50 pm sa GMA Telebabad.

Sa paghahanap ng katotohanan, mas marami pang sikretong mauungkat sa office mystery drama na VIP.

VIP Heart of Asia


Bahagi si Janine (Jang Na-ra) ng VIP management team ng tanyag at eksklusibong Sung Un Department Store.

Kasama niya sa trabaho ang kanyang asawang si Simon (Lee Sang-yoon) na nagsisilbing team leader ng kanilang grupo.

Inakala ni Janine masaya at perpekto na ang pagsasama nila ni Simon hanggang makatanggap siya ng isang misteryosong text na nagsasabing pinagtataksilan siya ng kanyang asawa.


At ang babae nito, isa sa mga katrabaho nila sa VIP management team.

Tatlong babae sa kanilang team ang paghihinalaan ni Janine.

Kababalik pa lang ni Eula (Lee Chung-ah) sa trabaho matapos ang isang taong pahinga matapos ang iskandalong kinasangkutan niya at ng isang boss sa kumpanya.

Naghahabol naman ng promotion si Mina (Kwak Sun-young), na anim na taon nang nagtatrabaho sa VIP management team pero laging naba-bypass dahil sa madalas na maternity leave.

Tampulan naman ng office gossip si Yuri (Pyo Ye-jin), na nagsimula bilang isang promo girl na namimigay ng fliers pero agad na natanggap sa VIP management team.

Sino sa kanila ang kabit?

Abangan ang huli at pinakamatinding handog ng GMA Heart of Asia ngayong taon--ang office mystery drama na VIP, simula November 30, Lunes hanggang Huwebes 10:50 pm pagkatapos ng My Korean Jagiya sa GMA Telebabad.

Samantala, kilanin pa ang mga tauhan ng serye sa gallery na ito.