
Dalawang bigating South Korean actresses ang magdadala ng excitement sa inyong mga umaga ngayong Nobyembre.
Tampok si Kim Hee Sun at Kim Sun A sa Woman of Dignity, ang pinakabagong handog ng GMA Heart of Asia.
Makikilala ni Erin (Kim Hee Sun) si Joanna (Kim Sun A) nang magprisinta ito bilang personal nurse ng kanyang father-in-law na may sakit.
Ang hindi alam ni Erin, hindi lang trabaho ang hanap ni Joanna mula sa kanyang pamilya.
Makakahanap kasi si Joanna ng shortcut sa marangyang buhay sa pamamagitan ng pag-akit sa matandang inaalagaan niya.
Kilala ng mga Pinoy si Kim Sun A sa kanyang pagganap sa title role ng hit South Korean series na My Name is Kim Samsoon.
Abangan siya bilang ang mapusok na kontrabida sa Woman of Dignity, simula November 5, Lunes hanggang Biyernes bago ang Eat Bulaga sa GMA Heart of Asia.