GMA Logo Sean Lucas Kirsten Gonzales
Source: seanlucas_,kirstengonzales_ (Instagram)
What's on TV

Sparkada Sean Lucas and Kirsten Gonzales share their preparations for 'Luv is: Caught in his Arms'

By Jimboy Napoles
Published November 29, 2022 5:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

AZ Martinez, Vince Maristela bring joy, Christmas gifts to young cancer patients
Isa ka hinuptanan nga karabaw, nasapwan nga nakabitay sa Ibajay, Aklan | One Western Visayas
Sparkle artists, bibida sa GMA Radio 'Higanteng Pasasalamat' event

Article Inside Page


Showbiz News

Sean Lucas Kirsten Gonzales


Alamin ang naging paghahandana nina Sparkada member Sean Lucas at Kirsten Gonzales para sa Luv is: Caught in His Arms, DITO:

Isa sa mga dapat abangan sa upcoming kilig serye ng GMA na Luv is: Caught in His Arms ay ang ilan sa miyembro ng Sparkada --- ang newest talented artists ng Sparkle GMA Artist Center kabilang sina Michael Sager, Vince Maristela, Raheel Bhyria, Sean Lucas, Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Kirsten Gonzales, at Tanya Ramos.

Sa shooting ng 2022 GMA Christmas Station ID na 'Love is us this Christmas,' ekslusibong nakapanayam ng GMANetwork.com sina Sean at Kirsten tungkol sa kanilang paghahanda sa kanilang first-ever Kapuso series --- ang Luv is: Caught in His Arms.

Ayon sa Kapuso teen actor na si Sean, isa sa kanyang unang naging paghahanda para sa serye ay ang matutong humarap at mag-perform sa camera.

Aniya,"'Yung preparation ko talaga for Luv is: Caught in His Arms is getting used to be in front of the camera kasi 'yun nga first project ko, first time ko working so at first medyo naiilang pa talaga [ako] but eventually working with veteran actors and with the Sparkada naging komportable naman ako and talagang na-enjoy ko naman."

Para naman sa bagong Sparkle actress na si Kirsten, malaking tulong ang mga workshop na ipinagkaloob sa kanila ng GMA upang mapaghandaan niya ang pagsalang sa naturang Kapuso series.

Kuwento niya, "Lahat po ng Sparkada and 'yung mga nakasama po sa cast ng Luv is: Caught in His Arms, dumaan po kami sa marami pong workshops and before po ito ako po [personally] one year din po akong nag-workshop at hindi lang po acting workshop. Pine-prepare po talaga kami ng GMA may project man po o wala."

"I'm very thankful po sa Sparkle for giving us what we need and prepared po kami nung nakuha po kami [bilang part ng cast] ng Luv is: Caught in His Arms," dagdag pa niya.

Ang nasabing serye ay ang first collaboration project ng GMA Network at Wattpad Webtoon Studios na TV series adaptation ng hit Wattpad novel ng Filipino author na si Ventrecanard na "Caught in his Arms."

Ito ay pinagbibidahan ng isa sa mga pinag-uusapang Kapuso love team ngayon --- ang Sparkle sweethearts na sina Sofia Pablo at Allen Ansay o mas kilala rin bilang Team Jolly ng kanilang fans.

Bukod sa Team Jolly at Sparkada, dapat ding abangan sa naturang kilig series ay ang ilan sa mga batikang aktor ng industriya kabilang na sina Ariel Ureta, Audie Gemora, Debraliz Valasote, Gio Alvarez, Boom Labrusca, at Denise Joaquin.

Para sa iba pang updates tungkol sa Luv Is: Caught In His Arms, bisitahin ang GMANetwork.com.

SAMANTALA, KILALANIN ANG SPARKADA NG GMA SA GALLERY NA ITO: