
Inilabas na ang official summer music video ng Sparkada na #SparkadaMoTo sa social media accounts ng Sparkle GMA Artist Center.
Tampok sa naturang music video ang young and fresh faces ng Sparkada. Mapakikinggan din ang kantang “Kung Ikaw Ang Kasama,” na inawit ng pinakabagong Sparkle artist na si Zephanie.
Kasama ni Zephanie sa music video ang girls ng Sparkada na sina Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Dilek Montemayor, Kirsten Gonzales, Lauren King, Roxie Smith, Tanya Ramos, at Vanessa Peña. Ang boys ng Sparkada naman ay binubuo nina Anjay Anson, Jeff Moses, Kim Perez, Larkin Castor, Michael Sager, Raheel Bhyria, Saviour Ramos, Sean Lucas, at Vince Maristela.
Umani naman ng papuri mula sa netizens ang #SparkadaMoTo Official Summer Music Video dahil sa ganda ng pagkakagawa, sa catchy na kanta, at sa fresh artists ng Sparkada.
Ibinahagi ng isang user na mayroong YouTube handle na @_Kapzzz_ ang kanyang excitement para sa Sparkada. Aniya, “Fresh and young artists na naman myghad!!! Can't wait sa mga pagganap ng SPARKADA.”
Congratulatory message naman ang hatid ng netizen na si Heraldo Moriawase para sa Sparkle GMA Artist Center dahil sa ganda ng summer music video ng Sparkada.
“And the WAIT IS OVER. SUMMER HAS OFFICIALLY STARTED. Congratulations! Sparkle GMA Artist Center for this amazing MV with all your newest SPARKLE artists!! I hope the next MV.. ALL SPARKLE ARTISTS ARE COMPLETE,” pagbabahagi niya.
Ayon naman sa commenter na si Lucky Jeremy, nakapagbibigay ng good vibes ang summer music video na ito at nakaka-LSS, o last song syndrome, raw ang kantang “ Kung Ikaw Ang Kasama.”
Panoorin ang #SparkadaMoTo Official Summer Music Video sa ibaba.
Samantala, abangan ang official launch ng Sparkada soon sa GMA Network.