
Time to give back!
Ito ang mensahe ng Sparkle artists na sina Ashley Ortega, Elijah Alejo, Luke Conde at Kim de Leon nang sumama sila sa isang outreach program sa pakikipagtulungan ng San Juan Dela Cruz Parish sa Valenzuela City.
Sa exclusive interview ni Lhar Santiago sa 24 Oras, sinabi ng apat na Kapuso stars na pagkakataon na nila ito na para magbigay tulong sa ibang tao, lalo na sa mga bata, matapos ang madaming blessing na tinaggap nila.
Ayon kay Ashley na busy sa kaniyang upcoming serye na Hearts on Ice, welcome change sa kaniyang schedule ang outreach program, dahil nakaka-alis daw ito ng stress.
Paliwanag niya, “Nakakatanggal stress, Tito Lhar, kasi these past few days, past few months siyempre, busy kami sa mga trabaho namin. E, ngayon may time kami for the kids.”
Masaya rin si Elijah na kasalukuyang napapanood sa afternoon series na Underage na makasama sa ganitong project.
Aniya, “Nakakahawa 'yung happiness ng mga bata and siyempre nakakapag-share kami ng blessings.”
Samantala, napa-throwback naman ang Bubble Gang star na si Kim de Leon na makasalamuha ang mga kids sa ginawa nilang outreach program.
“Nung bata ako, mahilig din ako sa mga artista. Tuwang-tuwa ako kapag nakakakita ako ng artista. And ngayon, kami na 'yung tinitingnan nila and ang saya lang sa pakiramdam ng ganun.”, paliwanag ng StarStruck heartthrob.
Ayon naman kay Luke Conde na last year ay kinuha bilang isang endorser ng isang underwear brand, pinapaalala ng mga ganitong project na maging “grateful” siya sa kaniyang buhay.
Lahad ni Luke sa 24 Oras, “It's a way of feeling grateful din [na] nagiging instrument kami na maging blessing doon sa mga kids na nakakasama namin and 'yun nakakataba ng puso na maging part ka ng ganitong klaseng event.”
KILALANIN ANG MGA AABANGAN NA FUTURE STARS NG SPARKLE GMA ARTIST CENTER DITO: