GMA Logo click kindness
What's Hot

Sparkle artists, nagsama-sama para sa 'Click Kindness' campaign

By Maine Aquino
Published December 7, 2025 1:38 PM PHT
Updated December 7, 2025 3:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Drone strikes on Sudan kindergarten, hospital kill dozens —local official
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu
XG's Cocona undergoes top surgery, comes out as AFAB transmasculine non-binary

Article Inside Page


Showbiz News

click kindness


Layunin ng "#ClickKindness" campaign na isulong ang positivity, compassion, at kindness sa social media

Inilunsad na ng Sparkle GMA Artist Center ang kanilang bagong advocacy campaign na #ClickKindness, na naglalayong palaganapin ang kabutihan, respeto, at positibong pakikitungo sa mundo ng social media.

Unang ipinakilala ang konsepto ng #ClickKindness sa Sparkle Trenta, kung saan unang naipaliwanag ang layunin nito.

Saad ni Alden Richards sa Sparkle Trenta, malaki ang impluwensya ng social media sa pang-araw-araw nating buhay. "Siyempre, we now live in an age where social media is very dominant, and lahat po tayo ngayon ay nasa social media.

"Maski ano naman po ang sabihin natin, minsan kahit papano, for some reason, one way or another, we are being affected by those hateful comments and negative comments. And siyempre, naapektuhan tayo, nalulungkot tayo, nagagalit, nasasaktan. Siyempre, our mental health is being compromised. So damay damay na siya.”

Ayon pa kay Alden, ang #ClickKindness ay paalala sa responsableng paggamit ng social media at para maging instrumento ng kabutihan.

“This advocacy and this movement is headed on to spreading goodness, positivity, compassion, and kindness online.”

Opisyal na inilunsad ang kampanya ngayong Linggo, December 7. Magkakasama ang iba't ibang Sparkle artists na nagsusulong ng mas responsableng paggamit ng social media at mas ligtas na online environment.

Bumida sa #ClickKindness sina Alden, Julie Anne San Jose, Ruru Madrid, Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Shuvee Etrata, Kyline Alcantara, Allen Ansay, Rita Daniela, Ashley Ortega, Prince Carlos, Jessica Villarubin, at Roxie Smith.

Magkakasama nilang inilahad kung paano haharapin ang negative comments, kung paano pangangalagaan ang mental health, at kung bakit mahalagang pumili ng kabutihan sa bawat pag-click.

Panoorin ang #ClickKindness dito: