
Focus sa fitness at new hobby ngayong 2026 ang ilang Sparkle stars.
Ayon sa 24 Oras, idinagdag ng ilang Sparkle artists sa kanilang routine ang paglalaro ng pickleball. Recommended daw nila ito sa mga nais magbalik-alindog ngayong taon at sa mga naghahanap ng bagong hobby.
Sa ulat ni Aubrey Carampel, ipinakita ang ginanap na friendly pickleball match ng Sparkle stars.
PHOTO SOURCE: GMA Integrated News
Saad nina Vito at Kiel Gueco ay naglalaro na sila ng pickleball kasama ang kanilang pamilya bago pa man sila sumabak sa friendly match ng Sparkle artists, "Usually magkakampi pero pinaglalaban din kami."
Kuwento naman ni Larkin Castor, "Grabe 'yung pag-cardio niya... 'Yung endurance niya, papawisan ka talaga, at stamina."
Samantala, ibinahagi ni Alethea Ambrosio na mula sa katuwaan ay nagustuhan niya na ang pickleball.
"Noong una ko siyang triny parang katuwaan lang siya with friends. Pero 'pag marami pala kayo, 'yung interaction, nakaka-enjoy din. Kaya mong maglaro ng 3 hours straight because may interaction. Parang ang saya saya lang."
Si Prince Carlos ay nagbahagi rin ng kaniyang experience sa paglalaro ng pickleball. Ani Prince, "ang dali lang matuto, once ma-gets mo na, enjoy na, masaya."
May payo naman si Bruce Roeland sa mga nais sumabak sa pickleball ngayong 2026.
"Try n'yo lang. Kung hindi n'yo man magustuhan ang isang sport, try n'yo 'yung iba."
Panoorin ang kabuuang ulat dito:
SAMANTALA, KILALANIN ANG MGA PUMIRMANG SPARKLE ARTISTS NOONG 2025: